ABSWELTO | Kasong treason laban kina dating Pres. Aquino at Sen. Trillanes, ibinasura

5 days ago

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Ombudsman ang kasong treason o pagta-traydor sa bayan na inihain laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino at Senador Antonio Trillanes.

trillanes-noy

Ayon sa Ombudsman, malinaw sa batas na ang treason ay isang war crime o krimen na nagagawa lang sa panahon  ng giyera. Hindi rin daw dahil may gusot kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay kaaway na ng Pilipinas ang China.

treason

wps

Ibinasura rin ng Ombudsman ang reklamong espionage o pag-eespiya laban kay Trillanes. Ang basehan lang daw kasi nito ay “hearsay evidence” o ebidensiyang base sa usap-usapan.

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.