“AKO RAW?” | Pres. Duterte, itinangging may kinalaman siya sa impeachment complaint laban kay CJ Sereno

3 weeks ago

Itinanggi ni President Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa gumugulong na impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Alam mo, sinabi sa akin merong narinig na si Sereno, ‘Duterte is out to…’ Ha? Ako raw? She can ask anybody, I guarantee you,” sabi ni Duterte panayam sa media sa Taguig kagabi.

duterte-league-municipalities

VIA NEWS5’S PATRICIA MANGUNE | Pres. Duterte sa 65th General Assembly ng League of Cities of the Philippines sa Taguig kagabi.

“Magtanong siya diyan kung may nilapitan ako na sinasabi ko, ‘Impeach niyo si Sereno,’ except the public.”

Giit ng Pangulo, mismong si Sereno ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyon.

“Iyong I reacted because of the so many complaints for coming in — from the justices themselves, the way she conducted… But that was it.”

“Ikaw ‘yan nandiyan eh. Ako, I just echoed, kagaya ng travel. Sabagay ako nagta-travel, pero hindi naman tayo pwede lahat maging Presidente eh.”

Hinamon pa ni Duterte ang punong mahistrado na imbestigahan kung may kinalaman ang Pangulo sa impeachment complaint.

“Ma’am Sereno, I’m sorry to tell you and you can investigate the whole town and i-commission mo lahat ng mga journalists who are good at investigative journalism, kung may kinausap ako na tao about your impeachment.”