ANTI-PROFESSIONAL? | Ilang mambabatas, naghain ng panukala para ipawalang-bisa ang CPD Act of 2016

7 months ago

February 14, 2018 – Iginiit nina ACT Teachers Party-List Representatives Antonio Tinio at France Castro na pabigat lang sa Filipino professionals ang Republic Act No. 10912 o “Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016.

27972188_1141796132643806_2917899163258899724_n

27858480_1141796102643809_1719855024842867548_n

27750833_1141796195977133_4719880224309977582_n

Sa ilalim kasi nito, kailangan pang kumuha ng dagdag na credit units para makapag-renew ng lisensya.

Layunin umano ng batas na mapaunlad ang kalidad ng serbisyo ng mga professional, pero naniniwala ang dalawang mambabatas na hindi ito napapakinabangan masyado ng mga Pilipino.

Bukod daw sa masyadong magastos ay sayang din umano sa oras dahil kailangan pa lumiban sa trabaho ng mga kukuha ng credit units.