APPREHENDED | 800 public utility vehicles, nahuli dahil sa kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok”

3 months ago

MANILA, Philippines – Umabot na sa 800 na public utility vehicles (PUVs) ang nahuli mula nang inilunsad noong Enero 8 ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” na kampanya bilang pagsunod sa Public Vehicle Modernization Program.

jeep-2

“Since January 8, we have so far flagged down, apprehended, and issued summons to around 800 motorists for various violations, ranging from smoke belching, defective parts, worn-out tires, no seatbelt and others,” ayon kay I-ACT Communications Head Elmer Argano.

Dagdag pa ni Argano, ang lahat ng ipinapatawag ay isasailalim sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS). Ang mga babagsak sa MVIS ay papatawan ng kaukulang parusa pero bibigyan naman daw ng pagkakataon na ayusin ang mga nasabing problema ng sasakyan.

Magkakaroon na rin ang Department of Transportation (DOTr) ng 26 na mobile MVIS units.

Lahat ng PUVs ay kailangang dumaan sa limang yugto ng inspeksyon sa MVIS center ng Land Transportation Office (LTO) tulad ng testing ng preno, suspension, speedometer, at headlights.