BAKIT NA-DISMISS? | CIDG Director Obusan, kinuwestiyon ang desisyon ng DOJ sa kaso nina Kerwin Espinosa

9 months ago

QUEZON CITY, Philippines (March 14, 2018) – Kinuwestiyon ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Roel Obusan ang pagkaka-dismiss ng kaso laban sa ilang drug personalities, kabilang ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at negosyanteng si Peter Lim.

“Yes, I am questioning the decision. Nag-file ako ng motion for reconsideration kasi I believe we have a point, we continue to aggressively push through because I believe we have a case.”

“Hindi naman dineny ni Kerwin sa preliminary investigation [ang mga alegasyon], so bakit pati ‘yung kanya dismissed?”

Dagdag pa ni Obusan, tila hindi rin pinansin ng DOJ prosecutors ang mga testimonya ng bodyguard ni Kerwin Espinosa laban sa kanya.

Ipinunto rin ng CIDG Director na ilang buwan ang lumipas bago naipadala sa kanila ang desisyon ng DOJ Prosecution Panel.

“The decision was made December 20, 2017, nareceive ng office namin February 7, 2018. So nagpadala kami ng February 19, 2018 ng motion for reconsideration…  Ask them kung normal sa kanila ‘yung ganung katagal.

Sa isang panayam sa Radyo Singko, sinabi naman ni Sec. Aguirre na kulang ang ebidensyang isinumite ng PNP CIDG kaya nabasura ang kaso. Pero paglilinaw niya, hindi pa abswelto si Espinosa at iba pang suspek.

Inutusan na ni Aguirre ang ilang DOH prosecutors at ang National Bureau of Investigation (NBI) na muling imbestigahan ang kaso bilang tugon sa utos ni Pres. Rodrigo Duterte.