BAKIT NIYA AKO IDADAMAY? | Pres. Duterte, inisnab ang hamon ni Trillanes na pumirma ng bank secrecy waiver

2 months ago

MANILA, Philippines – Inisnab ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon ni Senator Antonio Trillanes IV na pumirma ng isang bank secrecy waiver para raw pareho nilang mapatunayan na wala silang itinatagong kayamanan.

pduts

Sinabi rin ni Pres. Duterte na kahit may pinanghahawakan siyang ebidensiya at plano niyang isiwalat ang detalye ng accounts ni Trillanes, aminado raw siyang hindi niya agad magagawa ito kahit pa pirmahan ni Trillanes ang nasabing waiver.

“If Trillanes wants to find something at fault with me tell him, ‘Go somewhere else and fly a kite.’ In the same manner that if he wants to get evidence, do not get it from my mouth. You must be stupid, even if it is true or false,” sabi ni Duterte.

“Why would I give you the pleasure? Kung gusto niyang maghanap‘di maghanap siyaBakit niya ako idadamay?,” dagdag pa niya.

Wala rin daw kwenta ang waiver na pinirmahan ni Trillanes kung hindi rin naman daw pipirma ang kasama niya sa “joint account”. Ang pinatutukuyan ng pangulo sa kanyang sinabi ay ang Chinese partners ni Trillanes.

“So even if he signs a waiver, if the co-signer does not, walang mangyari niyan. And the bank would never, never name who is the partner. Eh nakuha lang namin ‘yan sa — well, a foreign government supplied that,” sabi ni Duterte.

Samantala, sinabi ng pangulo na ilalabas o sasabihin niya sa publiko ang nilalaman umano ng accounts ni Trillanes. Nararapat lang daw na malaman ng publiko na maraming bank accounts si Trillanes na hindi alam ng lahat.