BANTAY ISLA | Pagbuo ng Philippine Rise Development Authority, tinalakay sa senado

4 months ago

MANILA, Philippines – Tinalakay sa pagdinig ng senado ngayong araw ang pagbuo ng Philippine Rise Development Authority na siyang mangunguna sa research na gagawin sa Philippine Rise.

gatshy

Ayon kay Senator Win Gatchalian, bagama’t daw kasi wala tayong kaagaw sa Philippine Rise ‘di gaya sa West Philippine Sea, dapat pa rin na bantayan natin ito lalo na’t may mga naiulat nang nagsasagawa ng research doon na walang pahintulot sa gobyerno. Dapat din daw na tayo mismo ay nagsagawa ng scientific research sa Philippine Rise.

a5

Kasama rin daw sa magiging trabaho ng Philippine Rise Development Authority ang pagsasagawa ng exploration sa Philipppine Rise. Kasama sa mga inaasahang makukuha sa lugar ay gas at aquatic resources. Malaki raw ang maitutulong nito sa food security, energy security at biodiversity.

May teknolohiya raw mula sa Japan na gagamitin para makakuha ng gas hydrates na isa sa mga sinasabing pwede makuha sa lugar.

a6

Dagdag pa ni Gatchalian, kung maihahabol daw ito budget season ay posible na raw magsimula ng trabaho ang Philippine Rise Development Authority sa susunod na taon. Hiling din daw kasi ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of National Defence (DND) na magkaroon sila ng temporary facilities sa lugar.