BARANGAY AT SK ELECTIONS | Paghahain ng COCs, mag-uumpisa na sa September 23

1 year ago

MANILA, Philippines – Nakatakdang ganapin ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 23.  Kaugnay nito, inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) na mag-uumpisa na ang filing ng Certificates of Candidacy (COCs) sa Setyembre 23 at magtatapos ng Setyembre 30.

1-election2

Inilabas din ng COMELEC ang mga kwalipikasyon para sa barangay captain at pitong miyembro ng Sangguniang Barangay:

  • Dapat ay mamamayan ng Pilipinas;
  • Rehistradong botante sa barangay kung saan nais mahalal;
  • Dapat ay residente sa barangay ng higit isang taon bago ang eleksyon;
  • Marunong magbasa at magsulat ng Filipino o ibang lokal na wika o dialekto;
  • Higit 18-anyos ang edad

Para naman sa mga tatakbo bilang sa SK chairman at miyembro ng SK council:

  • Dapat ay Pillipino;
  • Isang qualified voter ng Katipunan ng Kabataan (KK);
  • Residente ng barangay ng hindi bababa sa isang taon;
  • At least 18-anyos ang edad at hindi lalagpas ng 24-anyos.
  • Marunong magbasa at magsulat ng Filipino, English o ibang dialekto;
  • Hindi kaanak ng kasalukuyang nakaupong opisyal (hanggang 2nd civil degree);
  • Hindi dapat nahatulan ng anumang krimen na kinasasangkutan ng “moral turpitude”

Kailangan ihain ang COCs sa Office of the Election Officer ng siyudad, munisipyo o distrito kung saang lugar tatakbo.

Mag-uumpisa naman ang kampanya mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 21.

comelec