BAWAL NA MAGYOSI? | Nationwide smoking ban, ipatutupad na sa July 22

4 days ago

MANILA, Philippines – Inanunsiyo ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na magsisimula na ang implementasyon ng Smoking Ban sa buong bansa sa July 22, Sabado.

ubs

Ang implementasyon ay pangungunahan ng Local Government Agencies (LGUs) na bubuo ng task force sa pagpapatupad nito. Parte rin ang PNP, MMDA, at DOH sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ayon kay Ubial, mas mahirap at mahigpit ang mga regulasyon sa pagpapatayo ng indoor smoking areas dahil hindi nila ito hinihikayat. Bukod kasi sa kailangang walang leak ang mga indoor smoking areas, dapat ay may anteroom, bufferzone o dalawang pintuang naghihiwalay dito mula sa mismong establisyemento at hiwalay rin na ventilation.

(insert pic ng indoor smoking area)

Walang grace period na ibibigay sa pagpataw ng parusa sa mga establisyementong hindi susunod ng mga regulasyon. Para sa maliliit o nagsisimula palang na mga negosyo, walang tulong pinansyal na ibibigay ang pamahalaan para sa pagtatayo ng indoor smoking areas. Mas hinihikayat nila ang outdoor smoking designated areas.

3

Samantala, para sa mga indibidwal na lalabag sa Smoking Ban, may multa na mula P500 hanggang P10,000 depende sa dami ng paglabag o offense. Para naman sa mga may-ari ng establisyemento, ang multa ay P5,000 o pagkakakulong na hindi hihigit sa tatlumpung araw.

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.