BAWAS BACKLOG | Karagdagang slots para sa passport application, bubuksan ng DFA

3 months ago

MANILA, Philippines – Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadagdagan nila ang bilang ng passport application slots at lalong palalakasin ang kapasidad nito sa mga susunod na buwan para mabawasan ang malaking backlog sa mga pasaporte.

dfa

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, itinanggi niya na may sindikatong binubuo ng ilang empleyado ng DFA at travel agencies na umano’y nasa likod ng ‘extortion’ operation kung saan nangongolekta ng bayad na P5,000 mula sa mga aplikante na gustong makakuha ng maagang passport appointment.

Dagdag pa ni Cayetano, mula pa noong isang taon ay tinanggal na nila ang reserved slots para sa mga travel agencies. Maaring noong mga panahon daw na iyon ay posibleng ibinebenta ang mga slots dahil mayroong 1,200 slots na naka-allot kada araw sa mga travel agency.

“We’re not saying it’s impossible that there are fixers who claim (now) that they have slots. Anybody can say anything. What I’m saying is they (travel agencies) have no reserved slots, so they can’t sell anything to you,” sabi ni Cayetano.

passport

Naglagay na rin ang DFA ng special lanes para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), mga buntis, mga solo parent at para sa mga batang may edad na pitong taong gulang pababa na nag-aapply ng pasaporte.

“The key is to increase the capacity. If we have increased capacity there’ll be no problem,” sabi ni Cayetano.

Pinangunahan kahapon ni Cayetano ang paglulunsad ng bagong Philippine passport na mayroong 10-year validity. Ito ay ginanap sa DFA-Office of Consular Affairs sa Parañaque City.

Matatandaang Agosto 2017 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalawig sa validity ng Philippine passport ng 10 taon.