BIGLANG KAMBYO | Duterte to Lucio Tan and Gokongweis: I am ready to protect every businessman kagaya ninyo

8 months ago

FEBRUARY 13, 2018 – Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng sina Lucio Tan at ang Gokongwei family sa pagpapagamit ng mga eroplano nang libre para makauwi ang mga OFW mula sa Kuwait.

“Mayroon kaming konting alitan pero hindi naman ganoon kalalim. Pero binawi nila sa subsequent events ng buhay ng isang Filipino at ilang beses silang nag-offer ng eroplano. Libre na,” sabi ni Duterte.

Tatahimik na rin daw ang pangulo kaugnay sa naging isyu ng Philippine Airlines.

“Because of this incident, Mr. Lucio Tan, I will shut up forever. Wala ka nang maririnig sa aking salita na hindi ka nagbayad ng ano… Okay na sa akin ‘yun. Tapos na.  Nabayaran mo naman ‘yung taxes mo at ‘yung pinakita mo,” sabi ni Duterte.

“Mind you, I am ready to protect every businessman kagaya ninyo,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagbanta noong nakarang taon si Duterte sa pamunuan ng PAL na ipasasara ang NAIA Terminal 2 kung hindi mabayaran ang utang nito sa gobyerno sa loob ng sampung araw.

Pero agad din namang nagbayad ang PAL at napagkasunduan na ibaba sa P6 billion ang babayaran kumpara sa orihinal na utang na P7.3 billion.