CASE DISMISSED | Reaksyon ni Trillanes matapos ibasura ng Ombudsman ang kasong treason laban sa kanya

5 months ago

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang desisyon ng Ombudsman na ibasura ang kasong treason at espionage na isinampa laban sa kanya at kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

trillanes-noy

trillanes-3

Sa isang pahayag ni Trillanes kahapon, Linggo, sinabi niyang ang naging desisyon ay patunay na malinis ang kanyang pangalan at kaya ito isinampa ay para lang mang-harass at sirain ang kanyang reputasyon.

“The decision proves our point from the very start that the case was merely filed to harass and tarnish my reputation,” – Sen. Antonio Trillanes IV

Dagdag pa nya, ganito raw talaga ang gawain ng mga kalaban nya sa pulitika pero kahit ano pa raw gawin nilang paninira, sa huli, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.

“This is what happens when your political opponents start to believe their own propaganda. But no matter how they twist the facts, in the end, the truth will always come out,” – Sen. Antonio Trillanes IV

conchita

Noong Linggo, naiulat na hindi nakitaan ng sapat na ebidensya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang nasabing kaso laban kina Trillanes at Aquino kaya ang nagging desisyon ay ibasura ang kasong ito.

“Treason is a war crime. It is not an all-time offense…While there is peace, there are no traitors. There must be actual hostilities…”– Ombudsman Conchita Carpio-Morales