‘CHINA IS OPENING UP’ | Duterte, tinitignan ang pagpapadala ng English teachers sa China

1 week ago

FEBRUARY 13, 2018 – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pang-aabuso ng mga taga-Kuwait sa overseas Filipino workers.

“Alam mo Kuwait, ang mundo, umiikot ha. Minsan ‘yan mabilis masyado baka mag-abot ‘yan ng tinatawag na karma. When the time comes, you will remember us.  Pero ngayon, ako presidente, never never do it again,” sabi ng pangulo sa pagharap niya sa 150 na OFWs na umuwi galing Kuwait.

“Kapag hindi, wala na kayong makukuha.  Maghahanap ako,” dagdag pa niya.

Sinabi ng pangulo na malaki ang oportunidad ngayon sa China lalo’t bilyun-bilyong Chinese ang gustong mag-aral ng English.

“China is opening up.  Lahat ng teachers, kinukuha.  Billion ang Intsik (Chinese) na gustong mag-aral ng English. Because sa English, kung pupunta ka kung saan-saan pati doon sa Africa… marunong mag-english so everybody wants to learn the language,” sabi ni Duterte.

kuwait-ofws

Mahigit 1,000 na OFWs sumatotal ang napauwi sa Pilipinas at madadagdagan pa ang bilang ng mga nais pang makauwi.

Hanggang Pebrero 22 lamang ang amnesty program kaya’t ang mga hindi na aabot ay dadaan na sa pagbusisi ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.