CONTRACT TERMINATED | DND, kinansela na ang $233-M helicopter deal sa Canada

10 months ago

FEBRUARY 13, 2018 – Opisyal nang kinansela ng Department of National Defense ang pagkuha ng helicopters sa Canada.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kontrata sa pagbili ng $233.36 million halaga ng 16 na Bell 412 helicopters.

“This is in compliance with the directive of President Rodrigo Roa Duterte, and pursuant to the Government Procurement Law (RA 9184) which authorizes contract termination for the convenience of the government,” ayon sa inilabas na statement ng DND.

“The termination was precipitated by the review ordered by the Canadian government on the implementation of the signed Contract Agreement between the DND and CCC [Canadian Commercial Corporation].”

feb-13

Matatandaang nagpasya ang gobyerno ng Canada na repasuhin ang helicopter deal sa pangambang baka raw gamitin ang mga ito kontra sa mga komunistang grupo sa Pilipinas.

Nakatakda dapat i-deliver sa susunod na taon ang mga helicopter na layong gamitin pamalit sa mga lumang helicopter ng Philippine Air Force para sa internal security operations, search-and-rescue at disaster response operations.

(Tweet ng manufacturer na Bell Helicopter matapos maaprubahan ang deal sa DND noong Pebrero 6, 2018)

“While the combat utility helicopters being purchased are primarily for the purpose of transporting personnel and supplies, the Department believes that it does not owe the Canadian government any justification for an outright purchase of equipment from a privately-owned company,” ayon sa DND.

Itutuloy pa rin daw ng ahensya ang pagbili ng combat utility helicopters sa ibang bansa.