DAHIL NO SHOW | Arraingment sa kaso ni Noynoy Aquino sa Sandiganbayan, ipinagpaliban

8 months ago

Hindi sumipot si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang arraignment sa Sandiganbayan Fourth Division kanina.

Sa halip, naghain ang abogado niyang si Attorney Romeo Fernandez ng motion to quash para ma-dismiss ang kanyang kaso kaugnay ng Mamasapano encounter noong 2015.

Ayon kay Fernandez, hindi tugma ang mga impormasyon sa reklamo para sa mga kasong iginigiit kay Aquino.

Dahil dito, na-reschedule sa February 15 ang pagbasa ng sakdal laban sa dating pangulo.

atty-romeo-fernandez

VIA NEWS5’S JENNY DONGON | Atty. Romeo Fernandez, abogado ni Aquino.

Nahaharap si Aquino sa paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act at usurpation of official functions sa ilalim ng Revised Penal Code.

Kaugnay ito ng pagpaplano at pagpapatupad ng Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao kung saan kabilang sa mga nasawi ay ang tinaguriang SAF-44.