‘MASAMA SA KALUSUGAN’ | Paggamit ng ‘sonic weapon’ ng PNP sa rally, binatikos

1 week ago

MANILA, Philippines – Binanatan ng mga militanteng grupo ang marahas umanong pag-disperse sa kanilang kilos protesta kahapon sa Taft Avenue.

Naging matiyaga man ang mga otoridad na ipatupad ang maximum tolerance, kinundena ng mga militante ang paggamit ng PNP ng ‘sonic weapon’ o ‘yung long range acoustic device (LRAD) o ang maingay na tunog para madisorient ang mga rallyista.

Ang paggamit ng LRAD, paiimbestigahan daw ng Makabayan bloc.

“Matiwasay naman at peaceful ang ginagawang pagkilos ng ating mga kababayan, bakit nila ito kailangan sagkaan, bakit kailangan harangan nila? Bakit kailangan gamitan ng so-called ‘sonic weapon’? Mayroon itong masamang epekto sa kalusugan ng ating mga mamamayan. Kaya kami sa Makabayan, maghahain ng isang resolusyon dahil sa unang pagkakataon ito ginamit ng mga pulis,” sabi ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate.

“The latest anti-people weapon of the PNP must be probed and opposed,” sabi ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas.

Depensa naman ni NCRPO Chief Oscar Albayalde, matagal na raw itong ginagamit at hindi nakamamatay.  Kailangan na raw itong gamitin dahil sa pagiging bayolente ng ilang rallyista.

“’Yung LRAD, matagal nang gamit ‘yan.  For several years, it has been used during the previous administrations.  ‘Yan ay prinocure nila, matagal na.  Nagamit ‘yan kung pagmasdan niyo sa malalaking rallies especially sa mga SONA noon kung saan nagkakabalyahan madalas dun sa Commonwealth Avenue yung mga rallyista pati mga pulis natin,” sabi ni Albayalde.

“Temporary discomfort lang. It’s not considered a lethal device, dagdag pa niya,” dagdag pa niya.

rally-1

Sa tala ng activist group na Health Alliance of Democracy (HEAD), umabot sa 123 ang sugatan sa hanay ng mga rallyista.

Patuloy ang kilos protesta laban kay US President Donald Trump na nasa bansa para sa ASEAN Summit.

Nagtipon kanina ang mga grupo sa Mendiola pero walang humarang na mga otoridad sa kanila. Dito na rin nagdaos ng programa ang grupo.

protest_mendiola

protest_mendiola-1

Tutol sila sa isinusulong ng ASEAN partikular na ang free trade at ang pagiging malapit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Trump.

READ ALSO:  NAGKAGIRIAN | Ilang militante at pulis, sugatan matapos magkainitan sa rally

ban-trump