DROGA NG MAUTE | 11 kilos ng shabu, 4 na high-powered na armas at bandila ng ISIS, narekober ng JTF Marawi

2 months ago

MARAWI, Philippines – Labin-isang kilo ng high grade shabu ang narekober ng Joint Task Force Marawi sa pagpapatuloy ng combat clearing operations. Nakuha ito kagabi sa isang bahay na isa raw sa stronghold ng Maute group.

2

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, Alpha Company ng 49th IB at 9 ID ang nakarekober sa ilegal na droga. Kasamang nakuha ang apat na matataas na kalibre na mga armas at ang sinasabing ISIS flag.

4

Dagdag pa ni Herrera, nakuha raw ang shabu matapos ang intense firefight kaya nagkaroon nang pagkakataon na makalapit ang tropa sa nasabing bahay para sa clearing operations. Ito raw ang bahay na sinasabing pinuwestuhan ng mga snipers ng Maute. Doon din namataan ng mga sundalo ang mga lalaking nakaitim na indikasyon na miyembro ito ng ISIS.

Nakuha sa kusina ng bahay ang mga shabu na nakasilid sa loob ng isang stroller bag. May nakita rin silang isang pakete na bukas na at drug paraphernalia na indikasyon na kakatapos lang gumamit at patuloy ang paggamit ng droga ng mga terorista.

1

Nagkakahalaga raw ng nasa P110-M ang street value nang nakuhang droga pero kung maibebenta ito ay aabot sa P100 – P250 million pesos ang kabuuang halaga. Sa ngayon, itu-turn over ang droga sa crime laboratory para sa safekeeping.

3

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.