DUE TO HEALTH REASONS? | PCSO chairman, nagbitiw

4 months ago

Inanunsyo ng Palasyo na nagbitiw na bilang Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Jorge Elizalde Corpuz.

“This is to announce that Mr. Jose Jorge Elizalde Corpuz has resigned as Chairman and Member, Board of Directors, Philippine Charity Sweepstakes Office due to health reasons,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nilinaw din ni Roque na hindi si Corpuz ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang sibakin dahil sa corruption.

Nauna kasing sinabi ng pangulo kagabi sa isang event ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa Manila Hotel na isang opisyal ng gobyerno at ilang pulis ang sisibakin niya.

“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen. I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption,” sabi ni Duterte.

Matatandaang lumutang ang usap-usapang gagawin umanong chairman ng PCSO ang dating whistleblower na si Sandra Cam matapos isiwalat ang maluhong Chirstmas party ng ahensya.

Nagpahayag din si PCSO General Manager Alex Balutan na magbibitiw siya sa puwesto oras na mangyari ito.

READ ALSO: ‘MALAKING INSULTO’ | PCSO GM Balutan, magbibitiw kapag ginawang chairperson si Cam