DUTERTE VS MORALES | PRRD, bumuwelta sa mga pahayag ni Ombudsman Morales kaugnay ng ‘war on drugs’

4 months ago

MANILA, Philippines – Binanatan ni Pres. Rodrigo Duterte si Ombudsman Conchita Carpio Morales kaugnay ng mga pahayag nito noong nakaraang linggo tungkol sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

duterte-morales

Matatandaang nabanggit ni Ombudsman Morales sa isang TV interview ng NHK ang pang-uudyok umano ni Duterte na pumatay. “He’s goading people to kill people. That’s a problem. His communications people say ‘that’s hyperbole,” sabi ni Morales.

“They try to rationalize whatever he says. So, whether or not the police or whoever he addresses these words believe him, that’s a different story,” dagdag ni Morales.

duterte-oathtaking-2

Aniya, hindi raw ito katanggap-tangap. “The directive to kill people under any situation, irrerspective of the context to me, thats not acceptable,” sabi ni Morales.

Sa talumpati ni Pres. Duterte sa oathtaking ng mga bagong opisyal ng gobyerno sa Malacañang kanina, hindi niya pinalampas ang mga pahayag na ito ni Ombudsman Morales.

duterte-oathtaking

Tanong ng pangulo, kailan pa raw umakto bilang Diyos at naging  tagapagsalita ng mga kriminal si Ombudsman Morales.  “Akala mo mga santo kayo diyan. Do not play god. Shut up,” sabi ni Duterte.

“Huwag ka magpa-hero gaya ng iba. Hirap na nga ako dito gusto mo pa mag-Obama ka. May trabaho ako. Ang trabaho ko bayan ko. Para sa bayan ‘to. Hindi ‘to para sa akin. Bayan ‘to. If you do not like it, I’m sorry,” dagdag pa ni Duterte.

Hindi na umabot  sa maaanghang na salita ang reklamo ng pangulo laban kay Morales dahil balae niya kay Mayor Sarah Duterte-Carpio ang kapatid nito.  “Ako nagpipigil ako kasi your brother is my balae,” sabi ni Duterte.

Sa huli, bumwelta ng hamon si Duterte kay Morales, “Find me a law which says I cannot threaten criminals with death. Find me a law which would bar me from saying ‘I will destroy you if you destroy my country.’ If you can do that, I will step down tomorrow.”

duterte-law