EFFECTIVE IMMEDIATELY | Pilipinas, kakalas na sa International Criminal Court

3 months ago

MARCH 14, 2018 – Naglabas ng papel si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagpapahiwatig ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Kapansin-pansing walang pirma ni Pangulong Rodrgio Duterte ang tatlong pahinang dokumento.  Sa kabila nito, kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mismong ang Pangulo ang nagbaba ng utos na ito.

“I confirm that PRRD has directed the Executive Secretary to give notice that we are withdrawing as a State  Party to the Rome Statute of the International Criminal Court,” sabi ni Roque.

Idinetalye sa dokumento na bagamat pumirma sa Rome Statute ang Pilipinas noong 1998, ang kasunduan sa pagtatatag ng ICC, ay hindi naman ito maaaring ipatupad sa bansa. Sa ilalim daw kasi ng Civil Code, magiging epektibo lamang ito kung nailathala sa Offical Gazette o anumang pahayagan sa bansa.

“Devoid of the legal required publication, the Rome Statue is ineffective and unenforceable… An international law cannot supplant, prevail or diminish a domestic law,” ayon sa dokumento.

Tila sinasadya rin daw ng UN Special Rapporteurs na palabasing lumalabag sa karapatang pantao ang Pangulo sa pamamagitan ng extrajudicial killings.

Bukod dito ay inanunsyo rin daw agad ng ICC ang isasagawang preliminary examination na bumuo ng impresyon sa publiko na akusado na siya sa ICC.

Giit ng pangulo, walang hurisdiksyon sa kaniya ang ICC.

“Given that the ICC shows a propensity for failing to give due respect to the State Parties of the Rome Statue and that there is clear bias on the part of the UN against the Philippines, the Philippines may very well consider withdrawing from the Rome Statute.”

Ayon pa sa dokumento, ang mga alegasyon umano laban sa kaniya ay hindi maituturing na genocide o war crimes.  Ang mga kaso naman daw kasi ng namamatay ay bunga ng lehitimong operasyon ng mga pulis at malinaw na wala silang intensyon na pumatay. Ang ginawa raw ng mga pulis ay pagprotekta lamang sa kanilang sarili o self-defense.

Sa nasabing sulat, nakasaad daw sa Article 127 na ang withdrawal ay magiging epektibo lamang isang taon mula sa petsa na natanggap ang notification. Pero hindi raw ito applicable sa Pilipinas dahil pinaniwala raw ang bansa na susundin ang principle of complementarity, magkakaroon ng due process at may presumption ng innocence. Bagay na hindi naman nangyari.