END OF 4PS | Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ititigil na nga ba sa 2019?

2 months ago

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na mga ulat na nakatakda umanong matapos ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa taong 2019.

4ps-1

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, hindi pa magtatapos ang 4Ps sa 2019, bagkus ay ang counterpart financing lang ng World Bank at ang Asian Development Bank (ADB).

Hanggang sa December 31, 2019 na lang ang Social Welfare and Development Project II (SWDP II) loan number 8584-PH na nagkakahalaga ng $450 million.  Pinopondahan ito ng World Bank.

Ang Project Development Objective (PDO) ay upang suportahan ang National Program Support for Social Protection ng DSWD.  Layon nitong mapabuti ang paggamit ng mga serbisyong pangkalusugan at edukayon ng mga batang mula sa mahihirap na pamilya.  Sinusuportahan nito ang Pantawid Pamilya Conditional Cash Transfer (CCT) Program.  Mga batang edad 0-18 ang pangunahing target ng CCT program.

Ang proyektong ito ay tumutulong sa pagpopondo ng CCT program mula 2016-2019.

4ps-4

“This loan covenant with the World Bank will end in 2019. The loan with the ADB which costs US$400 will end on June 30, 2020.  We have not made any categorical decision to end 4Ps by 2019 even as we have already stated our stand that it should not be institutionalized,” sabi ni Taguiwalo.

Patuloy naman daw ang pagrerepaso ng DSWD sa naturang programa.

Nagbuo pa ng review program ang ahensya na tinawag na “Kamustahan”.

“We have no plans to discontinue the 4Ps by 2019, but the program itself continues to be subject to review and improvements. For instance, one of the more important assessment points  concerns the general membership of the program and how large the percentage of it actually qualify for the program in terms of their poverty levels and the needs of their families,” sabi ni Taguiwalo.

Dagdag pa niya, “We are assessing the program based on the experiences of inclusion/exclusion. We also want to impose protective measures that will safeguard the program from the political influence at the community and local government level.”

4ps-3

Sinabi rin ni Taguiwalo na nakatutok ngayon ang ahensya sa pagbabayad ng mga naantalang payout.  Nagpa-plano rin sila ngayon ng mga hakbang kung paanong mas mapapadali ang kasalukuyang compliance verification ng mga pamilya para sa programa.

“We are also addressing the complications we are experiencing because we only have one government depository bank handling the payout – the LandBank,” sabi ni Taguiwalo.

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.