‘FAKE DRUG WAR’ | De Lima: Duterte’s drug war is a big joke

3 months ago

MARCH 14, 2018 – Malaking kalokohan lang daw ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senadora Leila de Lima, habang marami ang namamatay nang hindi dumadaan sa paglilitis, tila hinahayaan lang ang mga big-time drug dealers tulad nina Kerwin Espinosa at Peter Co.

Ang pagbasura sa kanilang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya ay lalo lang daw nagpapatunay ng kanyang pagiging inosente.

“Ngayon nga pong inabswelto ng DOJ sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang sangkot sa ilegal na droga, lalong napapagtibay ang aking pagiging inosente, at ang aking paniniwala sa simula’t sapul na peke at palpak ang war on drugs ni Duterte,” sabi ni De Lima.

“They seem to have no problem filing fake drug cases against political opponents of the Duterte administration like me… They have become such experts in filing fake drug charges that they have become completely incompetent in the case build-up and the filing of real ones. This makes the drug war useless, as it is fake… It should be clear by now that Duterte’s drug war is a big joke,” dagdag pa niya.

delima4
(FILE / Sen. Leila de Lima)

Naglabas din ng open letter ang senadora para kay Chief Inspector Jovie Espenido.  Hinimok niya si Espenido na isiwalat na ang katotohanan sa pagdawit sa kanya sa drug case.

“You must reveal what you know about this whole charade. You must reveal the truth about me being falsely implicated by Kerwin Espinosa, and even by yourself, to Espinosa’s drug dealings,” sabi ni De Lima.

“Don’t you get it? You and others, like Kerwin Espinosa, Peter Co and Bilibid drug convicts, are just being used as pawns in this fake and insane war on drugs, just to satisfy a madman’s bloodlust and his vendetta against his nemesis,” dagdag pa niya.

Kasalukuyan namang pina-iimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga prosecutors na naglabas ng desisyon at bumuo na rin ng bagong panel na magre-review sa kaso.