FREE INTERNET | Implementing Rules and Regulations ng libreng internet sa bansa, ilalabas sa susunod na linggo

5 months ago

MANILA, Philippines – Ilalabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa susunod na linggo ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Free Internet Access in Public Places Act.

dict-spli

Ayon kay DICT Usec. Mon Ibrahim, ito ay para masiguro ang buong implementasyon ng programang libreng internet access. Malaki rin daw ang pakinabang nito sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga Pilipino lalo na raw yung mga nasa probinsya kapag na-institutionalize ang proyekto sa ilalim ng Republic Act 10929.

Nakasaad sa nasabing batas, ngayong taon, target ng ahensiya na mabigyan ng libreng internet connection ang nasa 13,000 lugar sa buong bansa.

2

Kasama rito ang mga pampubliko paaralan; mga pampublikong ospital, at health center; mga pampublikong parke, library, paliparan, pantalan at pampublikong transport terminal.

Matatandaang, Agosto 2017 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas tungkol sa libreng internet na kung saan ang DICT ang pangunahing ahensya na nagpapatupad nito.