‘HAND IN HAND WITH A KILLER’ | Litrato na magkahawak-kamay sina Trump at Duterte, banner photo ng British newspaper

1 week ago

MANILA, Philippines – Naglathala ang “The Independent,” isang British newspaper ng litrato nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.

Makikita sa banner photo ng pahayagan na nakasulat ang “Hand in hand with a killer” kung saan magkahawak ng kamay sina Trump at Duterte sa opening ceremony ng 31st ASEAN Summit sa Cultural Center of the Philippines.

the-independent-1
(Photo courtesy: The Independent / @Independent Twitter)

Binabatikos si Pangulong Duterte dahil sa kanyang madugong kampanya kontra iligal na droga.

Matatandaan ding sa galit niya sa iligal na droga, nabanggit niya sa harap ng Filipino community sa Vietnam na gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng bansa at hindi siya takot makulong.  Sa katunayan, ilang beses na nga raw siyang labas-pasok sa kulungan.  Nakapatay na rin siya noong 16-anyos pa lang.

Nilinaw naman ng palasyo na biro lang ito.  “I think it was in jest. The President uses colorful language when with Pinoys overseas,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang statement.

READ ALSO: “IT WAS IN JEST” | Pahayag ni Pres. Duterte na nakapatay na siya noong 16-anyos, biro lang ayon sa Palasyo