‘HE HAD IT COMING’ | Para kay Pres. Duterte, ang chairman ng CHR ang dapat sisihin sa P1K budget na inaprubahan ng Kamara

2 months ago

MANILA, Philippines – Wala raw ibang dapat sisihin kung nagkakaproblema ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) kung ‘di ang mismong namumuno rito na si Chairman Chito Gascon. Ito ang iginiit ni Pangulong Duterte nang magsalita tungkol sa ibinibigay na P1,000 budget ng House of Representatives sa ahensya.

chr

“No, he had it coming. Kindly sit down. It could be a lengthy explanation,” sabi ni Duterte sa kanyang panayaman kagabi sa Libingan ng mga Bayani.

Kasalanan daw ito ni Gascon dahil sa pagiging dilawan nito.

“Ganito ‘yan eh. Ito si Gascon, palibhasa pro-dilaw talaga, he opens his mouth in a most inappropriate way and he conducts the business of being CHR. Walang alam,” sabi ni Duterte.

duterte-vs-gascon

Wala raw kinalaman si Duterte sa kung sino ang gustong imbestigahan at awayin ng Kongreso.

“‘Yan galit ang mga congressman. Wala… Ako, wala akong ano sa kanya. Bigyan mo ‘yan ng budget. For all I care kung anong gusto niyang imbestigahan,” dagdag ni Duterte.

Muli pang nakatikim ng mura ang chairman ng CHR.

“When you are an investigating agency and you are empowered to investigate and to prosecute recommendation, itong g***** Gascon na ‘to, nakikialam pa doon sa during the incident,” sabi ni Duterte.

Tinawag ng pangulo na walang alam sa batas si Gascon at hindi raw abogado.

“Huwag kang pumasok diyan. Palibhasa nga hindi nga abogado ang t****. ‘Pag may mag-ano, magpadala ng imbestigador at pati siya pumupunta, then there will be a time na ‘yung resulta ng investigation sa baba, papasok ‘yan sa opisina mo, mga report ng mga imbestigador mo. Then, wala ka ng ano — Because you have already concluded na merong violation dito ganun-ganun,” sabi ni Duterte.

Si Chito Gascon ay graduate ng Bachelor of Arts (BA Philosophy) at Bachelor of Laws (LLB) degrees mula sa University of the Philippines, Diliman. May Master of Law (LLM) degree specializing in International Law (Human Rights, Law of Peace, and Settlement of International Disputes) mula sa St. Edmund’s College, University of Cambridge sa London.

“Ang ibig sabihin, t****. Palibhasa nga hindi nga abogado. And if you are not sure of yourself or where you stand, you might as well just maybe shut up,” sabi ni Duterte.

Umaasa naman si Duterte na magbabago pa ang budget na ibibigay sa Commission on Human Rights. Hindi raw gawain ng pangulo na sirain ang mga institusyon sa bansa.

“Ngayon ‘yang 1,000 na binigay na ng Congress sa opisina niya, kasi galit ang Congress sa kanya.  Pero ako naman, since it is really an organ of government… it’s on the Constitution. Maybe someday, they might review their decision. Ako naman, hindi naman ako… I’m not here to destroy institutions,” sabi ni Duterte.