HINDI PA HANDA | Pagboto ng House Justice Committee para sa articles of impeachment, iniurong

2 months ago

MARCH 13, 2018 – Kinansela ng House Justice Committee ang nakatakda nitong pulong bukas para sana pagbotohan ang articles of impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Bukas din dapat ipiprisenta ang committee report na magbubuod ng mga lumabas sa mga pagdinig ng komite.

Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, hindi pa kasi tapos ang articles of impeachment lalo’t may mga bahagi nito na hindi pa nagkakasundo ang mga miyembro ng komite.

Kabilang dito ang gusto ng ilang kongresista na isama ang lahat ng grounds for impeachment na inilatag ng complainant na si Attorney Larry Gadon.

Pero ayon kay Umali, ang tiyak lang na maisasama sa articles of impeachment ay ang alegasyon kaugnay ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN.

28822740_10215848334990085_217669201_o
(FILE / House Committee on Justice / March 8, 2018)

Tinitignan din nila na mapabilang din ang pagbili ng Land Cruiser ng punong mahistrado.

“She is the only one who ask for it… All of a sudden from a simple lifestyle, when she became chief justice, things change, naging grandiose na lahat,” sabi ni Umali.

Tantsa ng mambabatas, maihahanda na ang articles of impeachment para pagbotohan sa susunod na linggo.

“The whole idea is to present it as comprehensive as we could then will just cross the bridge when we get there probably remove some that may not be that strong,” sabi ni Umali.