ISA PANG SISIBAKIN | Duterte, may tatanggalin sa puwesto ngayong araw – Roque

1 week ago

Isa pang opisyal ng gobyerno at ilang pulis ang sisibakin ni President Rodrigo Duterte.

Sinabi niya ito sa kanyang speech sa event ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa Manila Hotel kahapon.

“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen. I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption,” sabi ni Duterte.

Kasunod nito, idiniin ng Pangulo na hindi siya titigil hangga’t hindi nalilinis ang gobyerno mula sa katiwalian.

“This is really a purging regime. I think that I have been spending a lot of time just to clean up government. I would consume four years for the time that I would be there. Ayaw ko na lang mag-drama. Lahat naman tayo ayaw ng corruption, ayaw ng mali,” dagdag ng Pangulo.

Sa press briefing naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Valencia, Bukidnon kanina, sinabi niyang posibleng mamayang hapon sabihin ng Pangulo ang kanyang sisibakin.

“What I do know is that he is scheduled to replace a chairman of a government-owned and controlled corporation, but not really for graft, for other reasons. So it would appear that there is a second chairman who might be replaced because of graft.” paliwanag ng kalihim.

Nito lang nakaraang linggo, sinibak ng Pangulo si dating Maritime Industry Authority administrator Marcial Amaro III dahil sa sobra-sobra umanong biyahe abroad. Habang noong Disyembre naman, tinanggal din sa pwesto sa parehong dahilan si dating Presidential Commission for the Urban Poor chairperson Terry Ridon.

Bukod kina Amaro at Ridon, may mga sinibak si Duterte dahil sa mga akusasyon ng korupsyon.

MREC a728x90