ISINUKO DAHIL SA ULTIMATUM | 40 Barangay Chairman ng Ozamiz na pawang kaalyado ng mga Parojinog, isinuko ang kanilang mga armas

4 months ago

OZAMIZ CITY, Misamis Occidental – Apatnapung Barangay Chairman na pawang mga kaalyado umano ni Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog ang nagsuko na ng mga armas kay Police Chief Inpector Jovie Espenido. Ito ay matapos magbigay si Espenido ng ultimatum noong Linggo.

baril-1 baril-2 baril-3 baril-4

Mahigit dalawang daang armas ang isinuko sa otoridad na karamihan ay mga short at long firearms at mga bala.

ginibang-bahay-4-espenido-2

Ayon kay Espenido, si Mayor Reynaldo Parojinog daw ang nagbigay ng mga baril sa mga Barangay Chairman. Ipinatago daw ito ni Mayor para hindi makita ng mga otoridad kapag nagsagawa ng raid sa bahay nila at para din daw hindi mabisto sa pagsasagawa ng iligal na gawain

“According sa rebelasyon ng tao nila, lahat ng mga baril ay dinispose sa mga tao nila para kung may tatrabahuin eh ikaw magtrabaho doon” ayon kay Espenido

Isa raw sa naging kasunduan sa mga Barangay Chairman ay hindi na sila isasama ni Espenido sa kanyang mga raid at hindi na rin kakasuhan.

‘MANSYON NI MAYOR PAROJINOG’

Sorpresa namang dinalaw ng Ozamiz PNP ang dating mansyon ni Mayor Parojinog sa Bacakay, Ozamiz City na pinagiba nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

ginibang-bahay-3

“As if hindi sila mayaman, bumalik na sa kanilang bahay na maliit para siguro… eh alam naman ng lahat na involved sila sa drugs,”  sabi ni Espenido

Ngayon lang daw napasok ang lugar dahil dati raw itong guwardiyado ng private army. Bagsakan rin umano ito ng mga iligal na droga at taguan ng mga baril.

ginibang-bahay-2 ginibang-bahay ginibang-bahay-4

Nagsisilbi rin daw umanong libingan ang mansyon ng mga kalaban sa negosyo ng mga Parojinog. Ginagawa rin daw umanong meeting place ito ng mga Parojinog sa tuwing mayroon daw kidnapping at highway robbery na gagawin.

Kaya naman plano raw ni Espenido na ipahukay ang ginibang mansyon, “Yun nga hinahanap natin ngayon, kung saan ba inililibing”