“IT WAS IN JEST” | Pahayag ni Pres. Duterte na nakapatay na siya noong 16-anyos, biro lang ayon sa Palasyo

2 weeks ago

Nilinaw ng Palasyo na biro lang ang pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na noong 16-anyos pa lang siya ay labas-masok na siya ng kulungan at minsan na siyang nakapatay.

“I think it was in jest. The President uses colorful language when with Pinoys overseas,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang statement.

Nasa Vietnam ngayon ang Pangulo para sa APEC Summit. Pero kagabi ay nagkaroon siya ng pagkakataon para humarap sa Filipino community roon. Dito muling iginiit ng Pangulo na handa niyang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa.

“P****** i** mo, papatayin talaga kita. ‘Yan ang totoo. Let it be announced to the world. P***** i**, ‘pag ginawa mo sa Pilipino ‘yan, hihiratan kita,” sabi ni Duterte habang nasa Vietnam.

duterte-fil-community-vietnam

VIA NEWS5’S MARICEL HALILI | Pres. Duterte habang nagsasalita sa harap ng Filipino community sa Vietnam

Dito na niya nabanggit ang tungkol sa pagpatay noong siya ay 16-anyos.

“Kulong? Ay sus. Kulong nung teenager ako, pasok, labas, pasok ako sa kulungan. Rumble dito, rumb… at the age of 16, may pinatay na ako eh. Tao talaga. Rumble. Saksak. Noon 16 years old ‘yun. Nagkatinginan lang. Eh lalo na ngayon Presidente ako.”

Kasunod nito, muling idiniin ni Pres. Duterte ang pagtatanggol sa kanyang bayan.

“You f*** with my countrymen, hindi kita palulusutin. Bahala na kayong human rights. Wala. Ang akin is the larger issue of… mabuti na nga ito pinatay na’t wala na silang problema. How about the others who are crazy and they have to sustain the habit and commit crime,” dagdag pa ng Pangulo.

drugs

NEWS5 FILE PHOTO | Kilala ang administrasyong Duterte sa agresibong kampanya kontra iligal na droga.

Ilang beses nang nagkaroon ng kontrobersyal na mga pahayag si Pres. Duterte. Ang ilan dito, kalaunan, ay sinabi niyang mga biro lang na hindi dapat sineseryoso.

Bukas naka-schedule ang uwi ni Pres. Duterte mula Vietnam.