‘KASUHAN!’ | Mga pasaherong magiging sanhi ng pagkaantala o aberya ng MRT, pakakasuhan ni DOTr Sec. Arthur Tugade

6 months ago

PAMPANGA, Philippines (April 15, 2018) – Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT-3 na alamin at hanapin kung sino ang pasaherong naging sanhi ng aberya ng tren noong Biyernes ng umaga, Abril 13.

mrt-aberya

Ayon kanilang sa imbestigasyon, ang nasabing pasahero umano ay puwersahang binuksan o sinandalan ang pintuan ng tren na naging sanhi ng aberya kung saan halos nasa 1,000 pasahero ang naapektuhan.

Nadismaya si Tugade at sinabing ito ang pinakaunang insidente ng unloading incident na naitala sa MRT-3 mula noong Abril 2.

“For the last 11 days, there was no unloading, it was smooth. Today, we have the first unloading. Do you know the cause? There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction, identify this person,” sabi Tugade.

Gusto rin daw ni Tugade na sampahan ng reklamo ang mga mahuhuling pasahero na magiging sanhi ng pagkaantala o aberya sa operasyon ng tren.

 “From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina,” sabi ni Tugade.