KUMAKALAM ANG SIKMURA | SWS: Nasa 2.7 milyong pamilya sa bansa, nakararanas ng gutom

6 days ago

Tumaas ang bilang ng mga nagugutom na pamilya sa bansa base sa latest survey ng Social Weather Stations.

Mula sa 9.5% noong Hunyo ay nasa 11.8% na ito noong Setyembre. Katumbas ito ng nasa 2.7 million na mag-anak.

survey-1

Mula sa bilang na yan, 9.6% o 2.2 million families ang nakaranas ng Moderate Hunger. Ibig sabihin, nagutom sila ng isang beses o paminsan-minsan sa loob ng huling tatlong buwan. Habang 2.1% ang nakaranas ng Severe Hunger o madalas o laging walang makain sa loob ng tatlong buwan.

Ngayon lang ulit tumaas ang hunger incidence ng bansa matapos ang sunod-sunod na pagbaba nito sa huling tatlong quarter.

Kung hihimayin naman ang survey ng SWS kada lugar, tanging sa Mindanao nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng mga nagugutom.

Mula ito sa 11.3% na total hunger incidence noong Hunyo na bumaba sa 9.7 % noong Setyembre.

Isinagawa ang SWS survey mula September 23-27, 2017 sa 1,500 indibidwal.

survey-2

Ilang sa maiinit na isyu nang isinagawa ang nasabing survey ay ang ikinasang transport strike noong buwang iyon, ang krisis sa Marawi at ang imbestigasyon sa redacted SALN ng mga miyembro ng Duterte cabinet.

Noong nakaraang linggo, nakapagtala din ang SWS ng pagtaas sa bilang ng mga Pinoy na nagsasabing sila ay mahirap.