LEGAL TEAM, BINUBUO NA | Tatayong lead counsel para kay CJ Sereno, kilalanin

2 months ago

MANILA, Philippines – Kasalukuyan nang bumubuo ng legal team ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno para dumepensa sa kanya sa impeachment proceedings.  Ito ay matapos bumoto ang Justice committee ng Kamara na sufficient in form and substance ang inihaing reklamo sa kanya ni Atty. Larry Gadon.

Ayon sa kinuhang spokesman ng punong mahistrado na si Atty. Carlo Cruz, napili si Atty. Alexander Poblador bilang head ng legal team.

atty-poblador

Nagtapos si Poblador bilang cum laude ng abogasya sa UP Diliman noong 1978.  Top 3 siya sa ginawang bar examinations noong taong din iyon.  Mayroon din siyang Master of Laws degree sa University of Michigan sa Amerika.

Si Poblador ang tumayong abogado ni Senadora Grace Poe sa kanyang disqualification case kaugnay ng 2016 presidential elections.

Naging abogado rin siya ni Senador Panfilo Lacson sa double murder case nito laban kina Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito.

Si Poblador ang founding partner ng Poblador Bautista & Reyes law firm.