LIBRE NA ANG MATRIKULA SA KOLEHIYO | The Universal Access to Quality Tertiary Education Act, aprubado na ni Pangulong Duterte

2 months ago

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang The Universal Access to Quality Tertiary Education Act o batas na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga State Universities and Colleges sa buong bansa.

pup

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, pinirmahan ito ni Pangulong Duterte kagabi, Huwebes, August 3.

duterte

Umani naman ng papuri at suporta mula sa mga senador ang balitang ito. Napakagandang balita raw nito lalo na sa mga mahihirap nating kababayan na walang kakayahang magbayad para lang makapag-aral sa kolehiyo.

Nagpasalamat si Senator Bam Aquino kay Pangulong Duterte at sa mga kapwa mambabatas na sumuporta sa batas para sa libreng tuition sa kolehiyo.

bam-080417

Lubos rin ang pagpapasalamat ni Senator Joel Villanueva kay Duterte dahil isa raw itong hakbang para mas marami ang makapag-aral sa kolehiyo at mabibigay raw ito ng daan sa maraming mahihirap na magkaroon ng magandang trabaho.

“We thank the President for signing into law the bill granting free tuition in state universities and colleges and technical-vocational institutions. Tunay po na magiging abot-kamay na sa lahat lalo na sa mahihirap ang makapag-aral sa kolehiyo at makatanggap ng skills training na magbibigay-daan sa magagandang trabaho. This is an important milestone in ensuring that we provide sufficient support developing our human capital. Our people are our greatest asset that’s why the biggest investment of the government should go to them. We should all welcome this development. We all want to take all available steps to ensure education for everyone. At the same time, we should listen to those who raised concerns about this measure and ensure that these are addressed.” Sabi ni Villanueva

Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, gagawan niya ng paraan na mapondohan ang free tuition sa mga State Universities and Colleges (SUCs) kahit hindi ito kasama sa proposed 2018 national budget.

080417

Ikinatuwa rin nina Senator JV Ejercito at Senator Chiz Escudero ang balita.

jv-080417chiz-2

Ayon naman kay Senator Sonny Angara, ito raw ang kauna-unahang administrasiyon na magkakaroon ng batas tungkol sa libreng matrikula kahit pa maraming nagpapayo sa pangulo na i-veto ito.

sonny-angara

Ilan sa mga State Universities and Colleges sa Metro Manila na magiging libre na ang tuition ay ang mga sumusunod:

1. Polytechnic University of the Philippines
2. University of the Philippines
3. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
4. University of Makati
5. Philippine Normal University
6. Technological University of the Philippines
7. Rizal Technological University
8. Universidad de Manila
9. Marikina Polytechnic College
10. University of Caloocan City
11. Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
12. Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa
13. Taguig City University
14. Philippine State College of Aeronautics
15. Pamantasan ng Lungsod ng Pasay
16. Navotas Polytechnic College
17. Eulogio “Amang” Rodriquez Institute of Technology
18. Valenzuela City Polytechnic College
19. Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
20. City of Malabon University
21. Quezon City Polytechnic University
22. Pamantasan ng Lungsod ng Pasig
23. Philippines Public Safety College

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.