‘MAGRE-RESIGN AKO’ | Trillanes, handang magbitiw at magpakulong kung mali ang akusasyon vs. Duterte

1 week ago

FEBRUARY 13, 2014 – Ipinatitigil ni Solicitor General Jose Calida ang mosyon ni Senador Antonio Trillanes na dinggin sa Senado ang umano’y kontorbersyal na yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay SolGen Calida, matagal nang ibinasura ng Ombudsman ang reklamo ni Trillanes dahil walang merito ang mga inihain niyang ebidensya laban sa pangulo. Ibig sabihin, wala nang saysay kung magsagawa pa ng bukod na imbestigasyon ang Senado.

“Senator Trillanes seeks to have another Senate hearing to convince probably the public about his garbage evidence junked by the Ombudsman. The Senate should stop its investigation,” sabi ni Calida.

“They’re wasting their time because Trillanes’ evidence as I said is garbage,” dagdag pa niya.

calida

Sagot naman ni Trillanes, bakit tila kabado ang kampo ng pangulo.  Wala rin daw dapat ikatakot ang pangulo kung totoo mang basura ang kanyang mga ebidensya.

“Sabi nila basura daw ‘yung hawak ko, eh bakit sila nagpa-panic? Bakit ayaw nilang mapahiya ako? Bakit ayaw pirmahan ni Duterte ‘yung waiver?” sabi ni Trillanes.

Kaya naman hamon ng senador, “Pirmahan niya ‘yung waiver. Kapag mali ako, magre-resign ako and magpapakulong ako voluntarily.”

Nauna nang pinagpaliwanag ng Solicitor General ang Ombudsman sa hindi nito pagsapubliko o paglabas ng resolusyon na ibinasura na ang kaso noon pang Nobyembre 2017.