MAKAKALIPAD NA ULIT | Suspension order sa pagtangap at pagproseso ng mga OEC ng mga OFW, inalis na ng DOLE

6 days ago

Inalis na ng Department of Labor and Employment ang suspension order nito sa pagtanggap at pagpo-proseso ng mga application para sa overseas employment certificates o OEC.

Dahil dito, makakapag-apply na para sa OEC ang mga direct hire workers ng mga land-based recruitment agencies.

Kasabay nito, magpapatuloy ang trabaho ng binuong fact-finding team ng DOLE para tukuyin ang mga responsable sa sinasabing illegal recruitment activities na nangyayari mismo sa loob ng Philippine Overseas Employment Agency.

November 10 nang suspindehin ng DOLE ang pagtanggap at pagpo-proseso sa mga OEC application matapos mabisto ang nasabing anomalya.

Sa tala ng DOLE, nasa 5,000 bagong application ng OEC ang kanilang pinoproseso kada araw.