‘MALAKING INSULTO’ | PCSO GM Balutan, magbibitiw kapag ginawang chairperson si Cam

3 months ago

Muli nagbanta si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alex Balutan na magbibitiw siya sa puwesto oras na gawing chairperson ang kasalukuyang board member na si Sandra Cam.

“Sinisiraan na kami even personal pa. Ang ahensya, sinisiraan at pagkatapos siya pa ang gagawin na chairperson ng Office of the President, eh malaking insulto na po sa amin ‘yon.  Sa ganong pagkakataon baka talaga magresign ako,” sabi ni Balutan.

pcso

Nakahanda rin daw siya iprisinta kung hindi siya ipatawag ng Senado para imbestigahan ang nasabing maluho umanong party.  Naniniwala si Balutan na balak ipasok ni Cam si Atong Ang sa PCSO kung maging chairman siya.

“Magvo-volunteer ako dahil ‘di ba, ‘yung kanilang motibo rito, malalim ‘yung motibo rito.  ‘Yun ang sinasabe ko na pagnag-chairperson itong si Sandra Cam papasok itong si Atong Ang na matalik niyang kaibigan at matagal na niyang kakilala dyan sa illegal numbers… noon pang 2004 and 2005 sa Bicol kaya nga nagwhistle blower ‘yan,” sabi ni  Balutan.

Nauna nang nanawagan si Bayan Muna partylist Representative Carlos Zarate na imbestigahan ang maluhong Christmas party ng PCSO maging ang kakarampot umanong budget na ibinibiga para sa charity.

“From the extravagant Christmas party celebration to the irregularities and alleged corruption in the small town lotteries operations and the minuscule allotment of only P2.2B for the charity funds out of its P18 billion earnings – these issues are certainly not minor and should, instead, be investigated,” sabi ni  Zarate.

rep-zarate

“If the reported earnings is P18 billion, then the supposed allotment for charity funds should be P5.4 billion. Now where did the money go? “The PCSO’s mandate is supposed to be for charity, but, it appears that, then and now, it is just being used as a milking cow of its officials,” dagdag pa ni Zarate.