MARTIAL LAW STAYS | 4 na terrorist groups, binabatanyan ng AFP

1 month ago

MANILA, Philippines – Matapos ang pagkamatay ng mga lider ng terorista sa Marawi na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, hindi raw nangangahulugan na babawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao.

hapilon_maute

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bahagi ng mandato ng pangulo na tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Gayunman, pakikinggan pa rin umano ng pangulo ang rekomendasyon ng mga miyembro ng kaniyang gabinete partikular na ang defense secretary at ang AFP Chief of Staff.

“The commander-in-chief, however, will confer with the members of his cabinet security, justice and peace cluster, particularly the secretary of national defense who is the designated martial law administrator and the chief of staff on the necessary action to be taken,” sabi ni Abella.

Samantala, kahit pa raw patay na ang natitirang high target ng militar sa Marawi na si Dr. Mahmoud Ahmad, may mga naiwan pa rin daw na prominenteng Jihadist fighter sa Mindanao. Ito raw ay sa katuahan ni Commander Baku.  Ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, ang grupo niya ang nagpahayag daw ng pakikipagsanib-puwersa sa Maute.

Aniya, may 18-21 pa raw na grupo ang may allegiance sa Maute na nanatili sa Mindanao pero tinatayang nasa lima o 10 lang daw ang mga miyembro nito.

Dagdag pa ni Padilla, nasa apat na grupo pa ang kailangang bantayan na mukhang may kakayahan pang manggulo sa bansa.  Ito ay ang  Ansar Khalifa Philippines (AKP), Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at mga natitira pang miyembro ng Maute.

Binabantayan din nila nang husto ang mga lugar ng Jolo, Basilan, Tawi-Tawi, Maguindanao at Cotabato.

“We will be relentless and we’ll not cease until we have adequately or completely address the destruction of these networks or these units that will post danger to public safety,” sabi ni Padilla.