#MayonEruption | Bulkang Mayon, naka-Alert level 2 na; Mga kalapit na lugar, apektado ng ashfall

6 days ago

LEGAZPI CITY, Philippines – Itinaas na sa Alert level 2 ang kalagayan ng Bulkang Mayon mula nang magkaroon ito ng phreatic eruption kahapon, ikalawa kaninang 8:49am at ang ikatlo kaninang 11:43am.

mayon-011418

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy na minomonitor ang sitwasyon ng nasabing bulkan na tuluy-tuloy na naglalabas ng makakapal na usok na may kasamang abo. Apektado na rin ang ilang bayan na malapit sa bulkan dahil sa ashfall.

26854998_1846094368735971_771344491_o 26972152_1846094372069304_1633246077_o

Ayon naman kay Albay Public Safety Emergency and Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep, may posibilidad na itaas pa sa Alert level 3 kung sakaling mas lumala ang sitwasyon ng bulkan.

Dagdag pa ni Daep, kapag itinaas na sa Alert level 3 ang bulkan, isasagawa na ang forced evacuation sa mga residenteng nakatira sa loob ng 6-km danger zone. Oobligahin silang lumikas na alinsunod sa Mayon Volcano Eruption Plan.

Handa na rin daw rumesponde at tumulong ang Philippine National Police (PNP) sa oras na kailanganin sila.

MREC a728x90