MODUS OPERANDI | Mahigit 145 na Chinese nationals mula sa Ilocos Sur at Las Piñas na nagsasagawa ng ‘telecom fraud’, arestado

6 months ago

MANILA, Philippines – Arestado ang mahigit sa 145 na Chinese nationals matapos salakayin ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang lugar sa San Vicente, Ilocos Sur at sa Las Piñas na pinaghihinalaang nagsasagawa ng modus operanding tinatawag nilang “telecom fraud”.

4

Ayon sa panayam ng News5 kay ACG Spokesperson Police Senior Inspector Artemio Cinco, isinagawa ang pagsalakay sa Barangay Bayubay Sur sa compound ng negosyanteng si Cherry Forgers kung saan naaresto ang 26 na mga Chinese at sa compound naman ng kinilalang si Jack Chan kung saan huli naman sa akto ang 43 na mga Chinese habang nagsasagawa ng nasabing modus. Umabot naman sa 64 na Chinese nationals ang nahuli sa Barangay Nagtupacan.

2

“Tinatawag namin na modus operandi na ‘telecomm fraud’ o yung voice phising… magtatawag sila ng mga Chinese nationals don sa China and then papakilala silang police, prosecutor, or judge and then sasabihan sila na iniimbestigahan sila at may kaso sila. Then, para maayos, pwedeng i-transfer nila yung [pera] sa account nila para hindi magalaw. I think para lang mailipat nila sa safe accounts. So, kapag natransfer yun ‘di na nila [ng biktima] makukuha yung pera nila pabalik,” sabi ni Cinco.

Matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng PNP-ACG, Chinese Police, Special Action Force, Bureau of Immigration at PNP-San Vicente ang mga nasabing lugar, nakumpiska nila ang iba’t ibang gamit na ginagamit sa online gambling. Kabilang sa kanilang mga nakuha ay mga telepono, routers, cellphones, laptop, sim cards at generators.

Dagdag pa ni Cinco, bukod sa Ilocos, nagsagawa rin sila ng operasyon sa Las Piñas kung saan 17 Chinese nationals naman ang nahuli.

Dadalhin daw ang mga nahuli sa Camp Crame sa Anti Cybercrime Group.

1 3