‘MURDEROUS DICTATOR’ | American singer-actress, binatikos si Pres. Duterte

1 week ago

MANILA, Philippines – Nagpost sa kanyang Twitter account ang batikang singer-actress na si Bette Midler tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.

bette-midler_twitter
(Photo courtesy: @BetteMidler Twitter)

Sa kanyang tweet, sinabi niyang “Murderous dictator” si Duterte at hinarana si Trump ng isang Pinoy love song. Binanggit pa niya ang isang “Vlad” o maaaring si Russian President Vladimir Putin na tila inaagaw sa kanya si Trump.

bette-midler

Agad namang rumesbak ang mga Pinoy supporters ni Pangulong Duterte.

Mayroong nagsabing dapat daw mag-research muna ang singer bago i-bash ang pangulo.

research

May sumagot namang nakadidismaya raw ang sinabi ni Midler lalo na’t wala naman siyang matibay na ebidensya.

disappointing

Mayroon namang nagtanggol na hindi raw kinukunsinti ng pangulo ang mga patayan. Sa katunayan, tinanggal o sinuspinde na ang mga pulis na sangkot sa walang habas na pagpatay sa mga biktima.

cops-being-investigated

May isang nagsabing hindi diktador si Duterte dahil buhay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas.

democracy

democracy-2
democracy-3

May nag-imbita pa kay Midler na bumisita mismo sa bansa para makausap mismo ang mga Pilipino.

invite

At mayroon namang napakanta pa ng “From a Distance” ni Midler at pinalitan ang lyrics nito.

from-a-distance

Sa ASEAN gala dinner sa SMX Convention Center noong Linggo, sinabayan ni Pangulong Duterte si Pilita Corrales na kumanta ng “Ikaw” matapos umanong siyang hiritan ni US President Donald Trump.