NA-HACK? | 5 email accounts sa opisina nina Sen. Aquino at Sen. Pangilinan, na-hack

2 months ago

MANILA, Philippines – Ibinulgar ni Senador Bam Aquino ang nangyayaring hacking sa mga

email accout ng ilan sa kanyang mga staff.

Natuklasan ng staff ni Aquino ang isang email sa draft folder na may subject na “Leaked Media Plan to Destroy PRRD”.

Laman ng email:

“Dear Sen. Drilon and Sen. Pangilinan

Attached is an alleged leaked LP media plan to destroy PRRD from a media source. The plan was described as jointly decided by VP Leni Robredo, former Pres. Aquino and other senior LP members including Sen. Drilon, Sen. Aquino and Sen. Pangilinan.

For your consideration and proper action.”

Sabi ni Aquino, hindi ito sinulat ng kanyang staff. Kung tutuusin daw ay swerte pa raw sila na natrace ito sa draft folder.

Maging staff daw ni Sen. Pangilinan, na-hack daw umpisa pa noong March 21, 2017.  Isa daw sa email na nakita nila ay may subject matter na “THE INVESTIGATION ON DDS.” Mayroon din daw email na ang subject ay “DUTERTE BANK ACOUNTS DETAILS” pero kapag binuksan ay wala naman daw laman.

Noong September 7 ay may isang email din daw na para sa gsis.gov.ph. kung saan gagamitin sana ang email account ng isa sa kanilang staff.

“Malalim ang hack, nanggugulo ng pulitika at ng gobyerno. They wanted to get more details of GSIS website while posing as a senator staff.  Identity theft ‘yan,” sabi ni Sen. Aquino.

bam-1

Kahapon din ay may nadiskubreng tatlong hacking incidents sa mga staff ni Aquino. May laman umanong mga excel file na listahan ng mga gastos at mga bank accounts ni Duterte.  Pero kapag daw binuksan ito, walang laman. Tila ginagamit daw ito para makapag-phishing o makakuha ng impormasyon sa kung sino ang magbubukas ng email.

Sa kabuuan, limang email accounts daw ang nahack – dalawa sa opisina ni Aquino at tatlo naman sa opisina ni Pangilinan.

“We decided to share this with the public because a lot of pro-administration personalities and online supporters alike are spreading fake news of a destabilization plot by the Liberal Party,” sabi ni Aquino.

“Wala po kaming destabilization plot. Ang mga nasa likod nitong hacking at pekeng e-mails ang mga tunay na destabilizers. Parang gusto nilang magkagulo ang Pilipinas,” dagdag pa niya.

Lumalabas na na-access daw ang mga email accounts ng staff nina Aquino at Pangilinan sa pamamagitan ng Senate Wi-Fi.  Ipinagbigay alam na rin daw nila ito sa liderato ng Senado, Seargent-at-Arms at maging sa NBI, DICT at AFP.

“Kailangan natin alamin kung sino ang nasa likod nito at panagutin sila. Nararapat lang na makulong ang mga taong ito dahil krimen ang kanilang ginawa,” sabi ni Aquino.