NABULILYASONG PAGTAKAS | Ilan pa sa miyembro ng Maute group, nahuli sa Iloilo

2 months ago

ILOILO CITY, Philippines – Inilipad na pabalik sa Mindanao kaninang madaling araw ang tatlong mga miyembro ng Maute group na nahuli kahapon sa Iloilo port.

maute-13

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ibiniyahe ang tatlo alas singko y medya ng madaling araw kanina sakay ng Coast Guard highlander plane patungong Cagayan de Oro.

Ang mga nahuli ay sina Aljajid Pangumping Romato, 20, mula Sabayle, Iligan City; kapatid na si Farida Pangumping Romato, 23, mula Carmen, Cagayan de Oro; at Abdulrahman Serd Dimakutah, 25, mula Lanao del Sur at kasintahan ni Farida.

maute-12 maute-14 maute-15

Samantala sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG), nilinaw nila na hindi Maute sister ang isa sa mga nahuli kahapon. Sinasabing miyembro lang ang tatlo ng Maute group pero hindi nila kadugo ang Maute brothers.

Paglilinaw pa ng Coast Guard, tatlo lang na miyembro ng Maute ang sakay ng barko nang dumaong sa Iloilo, taliwas sa unang nai-report na apat. Hindi rin daw talaga sa Iloilo ang target puntahan ng mga nahuling militante.

Sa kanilang imbestigasyon, papunta ng Maynila ang nakalagay sa tiket nila. Nagstop-over lang ang barkong sinasakyan ng mga ito sa Iloilo. Nakita ng Coast Guard sa CCTV ang apat na kahawig ng mga miyembro ng Maute batay sa inilabas na wanted list.

© 2017 TV5 NETWORK INC. ALL RIGHTS RESERVED.