NAGBAGO NG ISIP? | Bong Go, pag-iisipan ang pagtakbo sa Senado

3 months ago

MARCH 14, 2018 – Tila nag-iba ang ihip ng hangin ngayon para kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Kung dati ay nanindigan siya na hindi kailanman tatakbo sa pagka-senador, ngayon, hindi raw niya maaaring isantabi na lang ito.

“All these started as a joke, but with the overwhelming support and encouragement of no less than Mayor Rody and his supporters, I cannot just set this aside,” sabi ni Go.

“For the Mayor to say that he will support me to the hilt if I decide to run is more than I could ask for. For him to say that he also wants me to seek a higher post, to prove something to myself and that I could also grow, only shows how unselfish Mayor Rody is. I am deeply humbled by his inspiring words,” dagdag pa niya.

Matatandaang in-endorso rin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Bong Go sa pagka-senador. Sinabi niya kung gaano na kalawak ang karanasan ni Go sa gobyerno.

“He has been with PRD from since the 1990’s kaya malaki na ang kaniyang experience sa pang-gobyerno,” sabi ng alkalde.

Ikinatuwa man noon ni Go, agad din naman niyang sinabing hindi niya iniisip ang pagpasok sa politika.

bong-go

Sa ngayon, trabaho raw muna ang iniisip ni Go “para sa pangulo at para sa bayan.”

“At tulad po ng sinabi ko sa senado, at maging sa umpisa pa man, magsisilbi po ako kay Mayor Rody hanggang kamatayan,” dagdag pa niya.