NAKAWAN SA CLARK AIRPORT | 6 Miascor staff, kinasuhan at sinibak na

8 months ago

Sinampahan ng Clark International Airport Corporation (CIAC) ng kasong pagnanakaw ang anim na empleyado ng Miascor na nagnakaw umano sa isang pasaherong OFW nitong Miyerkules.

Naghain din ng hiwalay na kaso ang Miascor at sinibak ang mga suspek.

“After a thorough investigation with CIAC,  we have served a notice of termination to our passenger service agents who admitted to pilfering the baggages of OFW Jovenil Dela Cruz of Pandi, Bulacan,” sabi ni Miascor President Herman Reyes.

Personal ding kinumpiska ni CIAC acting President at CEO Alexander Caugiran ang mga ID at access pass ng anim na empleyado.

ciac

Noong Miyerkules din ay agad namang binayaran ng Miascor ang pasahero ng P82,824 na halaga ng nawala sa kanya.