NEW GENERALS | Pres. Duterte, inaprubahan na ang promosyon ng 7 pulis

6 days ago

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng pitong pulis mula sa pagiging senior police officials patungong police generals.

pnp-crame-1

Kinilala ang mga nasabing napromote na pulis na si PCSupt. Noli Talino ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) na ngayon ay Police Director (Major General) na at ang anim na ngayo’y Police Chief Superintendents (Brigadier General) na sina John C. Bulalacao ng NCRPO; Rwin S. Pagkalinawan ng PROCOR; Edwin S. De Ocampo; Carlito N. Feliciano; Rey Lyndon T. Lawas ng DHRDD; at Rolando B. Anduyan ng PRO-ARMM.

Inaasahan na marami pang pulis ang mapopromote ngayong 2018 dahil maraming pulis din ang magreretiro. Bibigyan na rin ng mga bagong assignments ang mga nasabing napromote na pulis.

MREC a728x90