P120,000 MULTA SA MAHUHULI | Colorum na Uber at Grab drivers, huhulihin na simula sa July 26

4 months ago

MANILA, Philippines – Sisimulan nang hulihin na ang mga colorum na driver ng Uber at Grab simula sa Hulyo 26, 2017.

trapik-1

Ayon kay LTFRB Board Member and Spokesperson Aileen Lizada, inutusan na nila ang dalawang ang transport network companies (TNCs) na Uber at Grab na tanggalin na ang mga colorum nilang driver na walang required certificates of public convenience (CPCs) o prangkisa.

Ang kautusan ay nakapaloob sa isang consolidated order na ginawa noong July 11 na ibinigay sa Uber at Grab. Bukod pa ditto, pinagpapasa rin ng LTFRB ang TNCs ng kanilang updated list ng kanilang accredited peer operators.

img_5508 img_5508-1

Magsisimula na sa Hulyo 26, Miyerkules ang panghuhuli ng mga colorum na driver. Ang mahuhuling driver ay papatawan ng multang P120,000 at maaring makumpiska o maimpound ang minamanehong sasakyan.

20134775_10213738894255385_26329893_n

Matatandaang noong nakaraang linggo, Martes, pinagmulta ng LTFRB ng P5-M ang Uber at Grab dahil sa paglabag at pagpayag na bumiyahe ang nasa 50,000 colorum drivers.