PABAHAY SA MGA SUSUKO | Pres. Duterte, sinigurong may pabahay para sa mga bababang rebelde

2 months ago

MANILA, Philippines – Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na mas maganda at mas malaki ang mga bagong pabahay para sa kanila.

Sa pagdalo ng pangulo sa groundbreaking ceremony ng Scout Ranger Ville sa bagong AFP/PNP Housing Program, sinabi niyang mula sa dating 24 sq.m., magiging 42-63 sq.m. na ang bawat unit na ipagkakaloob sa mga sundalo at pulis.

pres-duterte

Matatandaang ilang pabahay para sa mga sundalo ang inokupa ng grupong Kadamay sa Pandi, Bulacan.

“‘Yung inagaw ng Kadamay. Sabi ko, tinawag ko na lang sila, General Año, sabi ko, “Hayaan na lang ninyo. Tutal Pilipino man rin ‘yan. Anong gawain natin diyan? Barilin natin para umalis? So ibigay mo na lang sa kanila ‘yan. Tutal maliit ‘yun,” sabi ng pangulo.

‘Yun ang original na — [Ano ‘yun? 20…] Sabi ko, ”Ibigay na ninyo ‘yan. Inaagaw na rin nila. Bigyan ko lang kayo ng bago na mas malaki,” dagdag ng pangulo.

Inisa-isa ng pangulo ang mga lugar ng housing project:

Barangay Talomo, Davao City – 1,000 units
Dahican, Mati – 750 units
Upper Hinaplanon, Iligan – 1,000 units
Barangay Cabaluay, Zamboanga City – 1,500 units

pres-duterte-2

Nabanggit din ni Duterte na mayroong pabahay para sa mga susukong rebelde.

“Sa Tugbok naman, Davao City. Si… ‘Yung anak kong si Inday, ewan ko si Inday hindi ma-drawing kung ano. Basta ako, ang 1,000 diyan para sa inyo ‘yan. Sabi ko, “Day, ‘yung iyong 1,000 para na lang sa mga rebelde. ‘Yung bababa kasi hindi natin paghaluin ‘yan, magbabarilan talaga ‘yan,” sabi ng pangulo.

Dagdag pa ni Duterte bukod sa mga ipagkakaloob na mga bahay sa mga sundalo at pulis, mayroon din silang matatanggap na P70,000.