PANSAMANTALANG KALAYAAN | Sen. Honasan, sumuko sa pulisya at nagpiyansa sa kasong graft

4 months ago

LAGUNA, Philippines – Kusang-loob na sumuko si Senador Gringo Honasan matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng maanomalyang paggamit nito ng halos P30 milyong pork barrel noong 2012.

Dakong alas-syete ng umaga sumuko ang senador sa harap nila PRO4A Calabarzon PNP Director CSupt. Ma. O Aplasca at iba pang opisyal ng pulisya sa Biñan City PNP.

dsc_0058

dsc_0026

Sinasabing nagtungo sa naturang himpilan si Honasan kasama ang kanyang abogado na si Atty. Dennis Manalo kasunod ang isinagawang iba’t ibang proseso sa kaso.

Sumailalim ang senador sa mugshot, blood pressure test, buccal swab, at finger prints bago dumiretso sa Biñan Regional Trial Court (RTC) Branch 25.  Sa ilalim ni Judge Teodoro Solis, naglagak si Honasan ng piyansa na umabot sa P60,000 para sa two counts of graft na inihain laban sa kanya.

sen-honasan

Matapos nito, agaran naman nilagdaan ng huwes ang Release Order para sa pansamantalang kalayaan ng senador.

Si Honasan ang ika-apat na senador na nakasuhan kaugnay ng PDAF scam.  Kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder at graft sina dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

dsc_0055

dsc_0068