‘PAPAYAG AKONG I-LIFT ‘YUNG BAN’ | Duterte, tinitignang alisin na ang deployment ban sa Kuwait

5 months ago

MAY 11, 2018 – Nagpirmahan na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang mga delegado ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Sa hanay ng Pilipinas, si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pumirma habang si Deputy Prime Minister and Foreign Minister Sheikh Sabah Khalid Al Hamad Al Sabah naman mula sa Kuwait.

Sinaksihan nina Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III at iba pang opisyal na pinangunahan ni Special Envoy Mohammad Mama-o at Presidential Spokesperson Harry Roque at kanilang Kuwaiti counterparts ang pirmahan ng MOA.

“With the signing of the agreement and the approval of the additional guarantees that we asked our Kuwaiti friends to extend, the more than 250,000 Filipinos in Kuwait can now be assured of prompt and effective assistance if needed,” sabi ni Cayetano.

duterte_kuwait

“The successful outcome of our engagement with Kuwait would not have been possible without the guidance of the President who made it clear since the start that in our negotiations, the well-being of Filipinos abroad should always be paramount,” dagdag pa niya.

Dahil sa kasunduan, bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang iniutos niyang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

“Papayag akong i-lift ‘yung ban,” sabi ni Duterte.

“Pero hiningi ko seven hours of sleep, makaluto sila ng sariling ulam nila, pagkain. Hindi man sila sanay ng ano, ‘yung pagkain natin; tapos ‘yung cellphone nila hindi agawin; ‘yung passport ang may hawak ang ating Embassy, at may dayoff sila. So ‘pag na-comply ‘yan… and no physical abuse. Tapos ‘pag may complaint, ang unang tawagan nila, may special police para lang sa Pilipino, kung inaabuso sila, makatawag sila sa atin. Kung nandiyan lahat ‘yan, sabi ko ‘okay ako,’” sabi ni Duterte.