PARA MAHASA | Mga pulis, dapat daw isailim sa pagsasanay mula sa mga eksperto ng ibang bansa

1 month ago

MARCH 13, 2018 – Nanawagan ng tulong mula sa mga kaibigang bansa si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na sanayin ang mga pulis sa ating bansa.

Ito ay para tulungang mapabuti ang kalidad ng Philippine National Police, lalo sa pagresolba ng mga krimen.

“The country continues to suffer from ‘deaths under investigation’ without seeing suspects arrested, charged, and sentenced in court. If the PNP cannot improve itself, it should consider outside assistance”, sabi ni Pimentel.

Partikular na tinitignan ni Pimentel ang paghingi ng tulong mula sa United States, Japan, United Kingdom at iba pang miyembro ng European Union.

Kilalang kritiko ng PNP si Pimentel.  Tingin niya, kung napatupad ang pagpapataas ng sahod ng mga pulis at sundalo, dapat lang daw na magampanan nila ang kanilang tungkulin.

“We increased the salaries of policemen. We approved funds for training police officers. We made sure the PNP budget is sufficient. We want to see the PNP deliver on its end of the bargain. Make us feel safe. Catch criminals. Solve crime,” sabi ni Pimentel.

pnp-crame-1

Isa si Pimentel sa mga nagsulong ng Joint Resolution No.1 na nagtaas sa base pay salary ng mga militar at pulis.  Pinangunahan din niya ang NBI Mondernization Law at nagmungkahi ng ng kasunduang tulad ng sa Visiting Forces Agreement (VFA) para naman tulungang sanayin ang mga pulis.

“Maybe we can bring in experts from truly professional police forces such as the Scotland Yard or the FBI to teach our policemen the basics of police work, respect for human rights, and how to obey the law,” sabi ni Pimentel.